Ang mga halamang gamot ay tanggap ng nakakarami bilang alternatibong solusyon sa iba’t ibang uri ng karamdaman. Ang ilan,mas pinipili ang pagkonsumo ng mga herbal supplement kaysa uminom ng mga gamot na gawa ng mga pharmaceutical company dahil na rin sa ideyang baka may side effects ang mga gamot na ito.
Samantala, sinasabing wala namang bisa ang herbal para
gamutin ang stress at ayon sa kay Thomas Lenz, isang pharmacy professor sa
Creighton University of Nebraska na kung isasabay mo ang mga herbal supplement
na ito sa pag-inom ng mga gamot, ito ay mapanganib. Sapagkat hindi porke’t may
herbal na tatak ito ay sigurado ka ng ito ay mabisa at safe.
May dulot namang panandaliang lunas ang halamang gamot na
lemon balm para hindi ka makaranas ng labis na stress. Ito ay itinuturing na
mabisang pampakalma at pampaganda ng mood. Tulad din ng lemon balm, mainam
naman sa sleep disorder at pagkabalisa ang herbal supplement na ugat ng
valerian. Mas epektibo ito kumpara sa mga chemical drug pagdating sa ganitong
uri ng karamdaman.
Wala namang negatibong hatid ang mga herbal supplement sa
kalusugan ayon sa pag-aaral ng University of Maryland Medical Center. Ngunit sa
matagal na pagkonsumo nito ay maaaring makaapekto ang mga ito sa puso at sa
paningin.
Source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment