Masarap uminom ng strawberry juice lalo’t sa umaga. Isa ito sa uri ng mga berry na mayaman sa antioxidant. May pag-aaral pa ngang nagsasabing magandang proteksyon ito para sa tiyan upang labanan ang masamang epekto ng pag-inom ng alcohol. May dulot na magandang epekto sa kalusugan at kagandahan ang iron, folic acid, vitamin C na mayroon ang strawberries. Bukod pa riyan, tumutulong din ang strawberries sa tungkulin ng ating utak at tulong din upang makaiwas ang isang tao sa esophageal cancer. Kaya naman masasabing healthy ang pagkain ng strawberries.
Pero alam ninyo bang ang masustansyang prutas na ito ay
hindi para sa lahat ng tao? May masamang epekto ito sa mga tao na nakararanas
ng mga sumusunod:
Sensitibo ang tiyan. Sapagkat ang mga fine granules na
makikita sa paligid ng strawberries ay naka-iirita sa mucosa o mucous membrane.
May dalang panganib ito sa mga taong may abdominal problem. Ang acidity ay may
sakit ding idinudulot.
Hypertension. Para sa mga taong may mataas na alta presyon
ay hindi magandang kumain ng strawberries. Lalo’t mataas ang kemikal ng iniinom
mong gamot. May masamang epekto sa renal organ kapag pinagsabay mo ang gamot na
iyong iniinom at ang pagkain ng strawberry.
Allergies. Nagdudulot ng allergy ang pore structure ng
strawberries. Lalo’t sa mga taong may kasaysayan ng madaming kaso ng allergy.
Sa kabuuan ito ay nangyayari sa mga sanggol pa. Pero hindi naman ganun kadalas
sa mga matatanda. Ang sanhi ay ang protein na nagpo-prodyus sa pulang kulay ng
strawberries sa kaibahan ng immune system. Ito ang nagdudulot ng allergy tulad
ng pamumula at pangangati ng balat.
Source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment