Senyales ng constipation ang pagkakaroon ng matigas na dumi, irregular na pananakit ng tiyan at madalas na bowel movement ng higit tatlong beses sa isang linggo. Marami sa atin ang nakararanas ng ganitong isyu.
Nahahati sa dalawa ang uri ng constipation. Ang primary
constipation o functional constipation na walang anumang organic abnormalities
na makikita sa katawan matapos ang examination. Ang pangalawa naman ay ang
secondary constipation na nararanas matapos makaranas ng sakit ang isang tao.
Ang alam ng marami sanhi ng kawalan ng fiber sa katawan ang
pagkakaroon ng constipation. Pero bukod pa riyan ay may iba pang sanhi kaya’t
hirap ka sa pagdumi mula sa uri ng iyong lifestyle, gamot na iyong iniinom
hanggang sa komplikasyon ng iba pang karamdaman. Ito pa ang ilan sa mga sanhi:
Matigas ang dumi dahil sa kawalan ng fluid sa katawan. Kaya’t
mabuting uminom ng tubig 8 beses sa isang araw.
Ang pagkain din ng tsokolate ay sanhi rin ng constipation
kaya’t bawasan mo ang kumain nito.
Problema din ng nagbubuntis ang constipation. At nagpapatuloy
ito hanggang sa pagluluwal ng sanggol. Nagkakaroon ng sagabal sa bowel movement
dahil sa paghina ng muscle sa tiyan at dulot na rin ng side effects ng
analgesics.
Kapag mataas ang pagkonsumo ng fat mula sa mga karne , itlog
at keso at mababa ang fiber sa katawan ay humihina ang pagpoproseso ng
digestive system.
Wala namang kinalaman ang pag-inom ng vitamin sa sanhi ng
constipation ngunit may mga ilang component gaya ng calcium at iron ay maaaring
pagmulan ng sanhi.
Sanhi rin ng constipation ang ilang pain reliever at
anti-depressant drugs ayon sa isang pag-aaral.
Pinapahina din ng sakit na hypothyroidism ang metabolic
process ng bituka kaya’t may ilang pasyente na mayroon nito ang nakararanas ng
constipation.
Ang di mapigilang diabetes naman ay nagdudulot ng pagkasira
ng nerve na may epekto sa abilidad ng katawan na makapagtunaw ng pagkain.
Ang kawalan ng ehersisyo ay maaaring maging sanhi rin ng
hirap sa pagdumi kaya’t ugaliin na mag-ehersisyo kahit 30 minutos kada araw.
Source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment