Ayon sa mga eksperto, 96 porsyento ng mga beauty professional ang nagsasabing higit na mas may mabuting benepisyo ang pagkonsumo ng mga pagkain na mayaman sa bitamina at mineral kaysa sa mga cream, moisturizer at iba pang pamahid sa mukha at balat.
Kaya’t kung confident ka na at tingin mo gaganda ka na sa
paggamit lang ng cream ay hindi sapat ito.
Pinatunayan pa ni Susan Mehy,
director ng Cosmetic Executive Women sa UK na ang ikagaganda ng balat, buhok at
mukha ay mula sa mga nutrisyong ating kinakain o kinokonsumo.
Magsisimula ang magandang pagbabago sa kalusugan ng ating kutis,
kuko, balat, at mukha sa mga pagkonsumo ng mga pagkaing mayaman sa bitamina
gaya ng prutas at gulay sa araw-araw.
Para sa Dry skin. Maigi ang pagkonsumo ng mga pagkain na
mayaman sa Omega 3 essential fatty acid. Ito ay pwedeng makita sa salmon, tuna,
mackerel, whole grains, at mani. Ang mga ito ay mainam sa mga taong dumaranas
ng pagkatuyo ng kanilang balat. Kulang ka sa essential fats kapag dry ang iyong
skin.
Para sa skin wrinkles. Hindi mo maiiwasan ang paglabas ng
kulubot sa iyong balat ngunit mapipigilan mo ang mabilis na pagdami nito kung
ikaw ay kokonsumo ng mga pagkain na mayaman sa vitamin c gaya ng citrus fruits,
berries, peppers, mabeberdeng gulay at patatas. Sa pamamagitan nito ay
maiiwasan ang premature aging ng balat.
Pangingitim sa ilalim ng mata. Ito ay dahil sa pagpupuyat at
stress pati. Mainam ang pag-inom ng chamomile tea para mawala ito. Iwasan mo
rin ang pagkonsumo ng caffeine bago matulog para maging maginhawa ito.
Source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment