Ang ating mga buto o bones ay ang importanteng bahagi na sumusuporta sa ating katawan. Ang maagang treatment ang kailangan upang hindi mauwi ang ating buto sa pagkakaroon ng osteoporosis.
Lalo’t sa ngayon, hindi lang matatanda ang nagkakaroon ng
sakit na ito. Nangyayari ito kapag walang nutrisyon ang nakukuha ng ating buto.
Ito ang mga pagkain para maiwasan ang ganitong uri ng sakit.
Importante ang gatas sapagkat mayaman ito sa calcium at
vitamin D na mga elementong dapat upang maging matibay ang buto. Pwede ring
alternatibo ang pagkain ng iba pang dairy products gaya ng keso at ice cream.
Pampatibay din ng buto ang nuts at grains. Maigi rin na
kumain ng almonds, pistachios, at sunflower seeds na mayroon ding calcium. Ang
potassium content na makikita sa almond ay nagbibigay din ng proteksyon sa
katawan kapag nagkukulang sa calcium na importanteng nutrisyon para maging
matibay ang buto.
Kumain ng chicken feet, mayroon itong hydroxyapatite,
calcium, at collagen na natural na nagpapatibay ng buto.
Mayaman naman sa omega-3 ang walnut na may hatid na benepisyo
sa katawan. Ang walnut ay mayroong acidic alphalinoleic na mainam sa
pagpapatibay ng buto.
At ang carrot na mayroong betacryptoxanthin alpha-carotene
at beta carotene na mainam sa kalusugan ng buto. Pwede mo itong kainin ng hilaw
o gawing sangkap sa fresh salad.
Source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment