Hindi lang magandang pagkunan ng carbohydrate ang patatas (potato). Ito rin ay kaya ring paginhawahin ang iyong stomach ulcer. Iyan ay ayon sa mga siyentista sa Manchester University.
Natuklasan nilang ang molecule na nagmumula sa patatas ay
kayang resolbahin ang ganitong isyu. Bukod pa riyan ang bitamina C and B at
potassium mula sa patatas ay maigi rin sa inflammation, internal man o
eksternal. Pati na rin inflammation sa bituka at digestive system.
Ayon pa sa mga tagapagsaliksik,maigi rin na kumonsumo araw
araw ng potato juice bilang supplement sa ating katawan. Mula sa properties na
makukuha sa patatas, nakapag-develop ang mga syentista ng gamot mula sa
materyal ng patatas. Na wala diumanong side effects. Bukod pa riyan, ay
ilulunsad din nila ang potato yogurt bilang isang probiotic drink.
Ang ideya na ito ay mula sa isang syentista na kumain ng
isang potato recipe para gamutin ang problema sa kanyang tiyan. Bumili siya ng
isang bag na patatas para lalo pang mapatunayan ang bisa at imbestigahan ito.
“Noong marinig ko na ang patatas ay lunas sa ulcer, nagduda
ako nung una. Pero laking surpresa ko sapagkat marami palang interesanteng
compound tungkol sa mga botanical na produkto. At kailangan kong balatan isa-sa
ang mga ito para sa isang bagong tuklas.” Sabi ni Ian Roberts, professor ng
microbiology sa Faculty of Life Science, mula sa ulat ng Daily Mail.
“Natuklasan naming ang potato juice ay isang preventive
measure para magpahinto ng inflammation sa ating tiyan. Rekomendado din namin
ang potato juice para sa isang malusog na pamumuhay.”
Source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment