Marami sa mga taong retokada o nagpa-plastic surgery ang hindi aminado rito. Kaya kung curious kang malaman kung isa ba sa iyong mga kaibigan ay nagpa-plastic surgery ay mayroong 8 sensyales para mapatunayan mo ito.
Ang mga
ito ay ayon kay Dr. Anthony Youn, isang cosmetic surgeon sa Troy Michigan.
Bumulong ka sa kanya at pagmasdan mo ang tainga. Sapagkat
walang facial plastic surgery na walang scars sa tainga.
May sinister look ang isang taong nagpa-botox. Mayroon
kasing distortion ang nagaganap sa kilay kapag nagpa-botox sa mukha ang isang
tao.
Hindi saggy ang balat kahit pa siya ay higit 60 na ang edad.
Lahat ng tao kapag sumapit na sa ganitong edad ay mayroon ng skin folds sa
kanilang upper eyelids. Kaya’t kung hindi ganito, malamang ay nagpa-plastic
surgery iyon.
Mayroong kulubot na parang raisin sa bandang tainga kapag
hindi naisagawa ng tama ang plastic surgery lalo’t sa pag-aalis ng auricle
forms sa mukha para maging tight ang balat.
Hindi naman madalas mangyari ito pero may ilang kaso ng
parang swollen ang kanilang mukha matapos silang magpa-plastic surgery. Dahil
na rin sa dami ng fats na tinurok sa kanilang mukha. Ito naman ay kayang
remedyuhan ng liposuction.
Parang kuneho ba ang kanyang ilong kapag siya ay ngumit?
Maaaring resulta ito ng botox sa bridge ng ilong.
Ang mga nasa edad 50 na ay mayroon ng leeg na parang sa
isang pabo kaya’t kung hindi ganito ang iyong nakita sa taong iyon. Malamang
nagpa-plastic surgery siya.
Mas malaki ang lower lip kaysa sa upper lip ng 50 porsyento.
Kung hindi ganito ang nakita mo sa iyong kaibigan, malamang resulta iyon ng
silicone injections.
Source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment