Ang chicharon na madalas ding tawaging pork cracklings ay gawa sa iba’t ibang pagkahiwa ng baboy. Minsan gawa rin ito sa karne ng kalabaw. Ang pork chicharon ay gawa sa piniritong balat ng baboy. Madalas kainin ang chicharon kasama ng isang masarap, maanghang at maasim na suka. Pwede rin sa bagoong, atsara o lechon liver sauce. Iba pang klase ng chicharon ay gawa sa manok, baka at isda.
Madali lang ang pagluto ng Pork Chicharon
Mga Sangkap:
2 pounds ng talop ng baboy, hiniwa sa 1 pulgada-parisukat
ang pagkahiwa
3 tasa ng tubig
1 kutsarang asin
1 tasa ng vegetable oil o corn oil
Para sa Dipping Sauce
3 kutsarang apple cider vinegar
3 cloves ng crushed garlic
Patis
Paano lutuin ang Pork Chicharon:
- Pakuluan ang mga hiniwang talop ng baboy sa tubig na may asin sa loob ng 30 minuto
- Gamit ang isang oven pan, ikalat ang lutong mga talop ng baboy at i-bake sa 300 F sa loob ng tatlong oras.
- Itabi at palamigin.
- Iprito ng maigi sa kumukulong mantika sa mataas na lebel ng apoy hanggang sa makita mong pumipintog na ito.
- Para sa dipping sauce, paghaluin mo lang ang mga sangkap ng maigi.
Source: businessdiary.com.ph
Comments
Post a Comment