Nag-iisip ka ba ng negosyong pwedeng simulan sa maliit na kapital na 500 pesos hanggang 3k? Kung nais mong mag-negosyo ngunit limitado lang ang iyong perang puhunan, huwag kang mag-alala sapagkat maraming business ang pwedeng simulan sa mababang puhunan ngunit may potensyal na kumita ng malaki. Ito ang ilan sa mga negosyong uso sa kahit anong panahon.
Paggawa ng pabango at cologne. Sino ba naman ang ayaw na sila ay maging mabango? Madali at masaya ang paggawa nito. Ang profit margin para sa negosyong ito ay higit 300 poryento.
Paunang Capital: 1,500 para sa 100 grams ng pabango. Ito ay maaari nang makagawa ng 12-13 roll-on bottles.
Tips: Ang production cost mo ay nasa 115.00 pesos. Pwede mong i-mark up ang produkto ng hanggang 300 porsyento.
Paggawa ng Puto. Isa sa mga pinoy delicacy na madaling gawin at ibenta. Pwede ring mas mataas ang benta mo sa mga puto na may flavor ngunit tiyak na abot kaya pa rin ito ng masa.
Paunang Capital: 500 pesos
Tips: Mas madaling maibebenta ito ng 12 piraso kada pack.
Paggawa ng Ice Cream. Paborito ng lahat ang ice cream lalo't kung mainit ang panahon.
Paunang Capital: 1,000 pesos
Tips: Pwede mong ibenta ang 4 na galon ng ice cream sa wholesale price na 1,500 pesos para sa mga okasyon gaya ng birthday at iba pang special na pagtitipon sa iyong mga kapitbahay. Kung sa maliliit na galon naman, pwede mo naman itong ibenta ng 250 pesos kada kalahating galon o 8 pesos kada scoop.
Paggawa ng Banana Chips. Kahit sino pwedeng pwede mong bentahan ng banana chips. In demand rin ito sa abroad.
Paunang Capital: 500.00 pesos
Tips: Para hindi mawala ang lutong ng banana chips mo ay siguraduhing naka-silid ito sa isang container na mahigpit ang pagkakatakip.
Paggawa ng Aromatherapy Air Freshener. Hindi lang maganda sa pang-amoy ang scent nito kundi pampa-relax at pampagaan din ng mood. Pwede mong ibenta ito sa mga tindahan ng car accessories, home-care, online stores o pwede ring pang-gift pack.
Paunang Capital: 1,600 pesos
Tips: Ang isang 350 ml ng air freshener ay pwedeng ibenta ng 370.00 pesos.
Paggawa ng Donuts. Usong negosyo rin ang donuts ngayon lalo't malapit ng magpasko ay tiyak na maraming bibili sa iyo nito para maging regalo o pasalubong.
Paunang Capital: 1,000 pesos
Tips: Para makuha ang 100 percent na mark up, i-add lang ang halaga ng mga sangkap, P15 para sa balot, at mga dagdag na toppings at flavor. I-divide ang dami ng gawa para ma-compute ang presyo kada piraso.
Paggawa ng Siopao. Hindi mo kailangan ng mamahaling gamit para makapagbenta ng siopao. Magandang negosyo rin ito sapagkat hindi nawawala ang demand sa produktong siopao.
Paunang Capital: P650 para sa 80 piraso
Tips: Para makakuha ng magandang kita, i-add ang 100 percent na mark up sa kabuuan ng halaga ng produksyon.
source: pinoybisnes.com
NEW! MGA PATOK NA NEGOSYO. Watch me onn youtube, hit like and subscribe
May alam din po ako na maliit lang din ang puhunan na negosyo.
ReplyDeletehttp://technowise360-businessopportunity.blogspot.com/