Nakararamdam ka ba ng sakit sa tuwing ikaw ay umiihi?
Ayon kay Shane M. Ludovice M.D sa column niya sa Bulgar: Ang Sabi ni Doc- Dysuria ang tawag sa masakit na pag-ihi at marami sa atin ang nakararanas nito at agad naikakapit sa masakit na pag-ihi ay ang UTI o impeksyon sa daluyan ng ihi subalit, hindi laging UTI ang dahilan. Puwede ring vaginitis o impeksyon sa puwerta ang posibleng sanhi.
Madalas ay paulit-ulit ang atake ng UTI subalit, kahit UTI lamang ito ay hindi dapat ipagwalangbahala lalo pa kung ang masakit na pag-ihi ay may kasamang lagnat, dugo sa ihi, at pananakit ng likod malapit sa tagiliran.
Mahigit sa 95% nang pabalik-balik na UTI ay "reinfection" lamang, na ibig sabihin ay 'yun pa rin ang organismong sanhi (E.Coli) at ito ay patuloy na namamalagi sa daanan ng ihi (urinary tract) o kaya ay muling na-infect ang daluyan ng ihi ng dumi mula sa labas, halimbawa ay dumi mula sa puwit.
At ang pinakakadalasang sanhi ng pananatili ng mikrobyo ay ang impektadong bato sa kidney (infected kidney stones) na maaaring dala ng organismong Proteus mirabilis o kaya ay sadyang may abnormality na sa urinary tract. Maipapayo ang sumailalim kayo sa IVP (Intravenous Pyelography) para matiyak kung may bato nga sa kidney.
source: Bulgar credits to: Shane M. Ludovice M.D
Comments
Post a Comment