Sa bilis ng pagbabago sa mundo ng pagnenegosyo ay kinakailangang makasabay ka sa takbo nito kundi ay mapag-iwanan ka ng iyong mga ka-kompetensya. Isa na rito ang pagsunod sa mga bagong teknolohiya at pag-aaply nito sa iyong negosyo tulad na lamang ng mga android app. Alam ninyo bang may mga android app na may hatid na tulong sa iyong negosyo. Heto ang ilan na pwede mong subukan ng libre.
FREE Android Apps for Your Business
Kingsoft Office – sa tulong nito ay pwede mo nang makita at
i-edit ang iyong mga office files kahit nasaan ka pa basta’t dala mo ang iyong
android capable gadget tulad ng iyong cellphone o tablet.
Evernote – pwede kang magsulat ng note at mag-record ng
voice reminder. Malaking tulong ito para maging organize ka sa iyong negosyo at
maging lalong produktibo.
CamScanner- gamit ang camera ng iyong cellphone, sa
pamamagitan ng app na ito ay pwedeng magsilbing fax machine at scanner ang
iyong cellphone. Maihahatid mo na sa iyong mga kliyente ang iyong mga business
proposal ng ganung kadali.
Voice Recorder- isang app na pwede kang mag send ng data
bilang isang attachement gamit ang iyong gmail account. Pwede mo itong gawing
timer recording. Pwede kang mag search gamit ang titulo o petsa. At pwede mong
gawing ringtone ang recording.
Paypal- gamit ang app na ito ay pwede kang magpadala at
tumanggap ng pera mula sa iyong mga customer. Sa pamamagitan nito hindi mo na
kinakailangan na magtungo pa sa banko para mag in cash ng tseke.
O hindi ba’t ang husay na ngayon ng teknolohiya. Lahat ay
nagiging madali na lalo’t malaking tulong din ito sa iyong pagnenegosyo. Kaya’t
bilang isang negosyante ay dapat na maging maalam ka sa mga pagbabagong ito.
Source: businessdiary.com.ph
Comments
Post a Comment