Skip to main content

Mabuting Dulot Ng Pakikipagtalik

Magandang balita ito para sa mag-asawa. Bukod sa benipisyong hatid sa ating emosyon ng pakikipagtalik, alam ninyo bang ito rin ay may dalang health benefits sa atin. Ito ang ilan sa mabuting dulot ng pakikipagtalik.


Sex is Good For The Health

Mabuti sa puso. Hindi lang upang iparamdam sa tao ang iyong pagmamahal, ang pakikipagtalik din ay maigi para sa kalusugan ng ating puso. Pinapataas nito ang ating heart rate at pinapalusog ang ating pangangatawan. Ang mga lalaki na nakikipagtalik dalawang beses sa isang linggo o higit pa ay may mababang panganib na sila ay magkaroon ng sakit sa puso.

Nakakapagpababa ng timbang. Isang physical activity ang sex at mas masarap gawin kaysa sa ibang ehersisyo. At bukod pa riyan, ito rin ay may buting hatid sa mga gustong magpapayat. Hindi man ganoon ka-epektibo tulad ng sa treadmill ( na kayang makasunog ng 400 calories sa loob ng 30 minutos, sa pakikipagtalik ikaw ay pwedeng magsunog ng 85 calories). Pwede mo itong gawing parte sa iyong malusog na pamumuhay.

Ang pakikipagtalik ng regular ay kayang makapagpaiwas sa iyo sa mga sakit gaya ng lagnat, sipon o trangkaso dahil sa pinalalakas nito ang ating immune system. Ang mag-asawang nagtatalik dalawang beses isang linggo ay may mataaas na bilang ng antibody na kung tawagin ay immunoglobin A, na kaya kang protektahan sa mga sakit na may kilaman sa iyong isip at trangkaso. Huwag mo rin namang araw-arawin ang pakikipagtalik sapagkat nakapagpapababa rin ito ng antibody kung gagawin ng madalas.

Pain reliever din ito. Ang hormones na nabubuo mula sa pakikipagtalik ay pwedeng maging pain reliever at pwedeng makapagpahupa ng sakit kapag ikaw ay may regla o sakit sa mga kasu-kasuan, bukod pa sa iba pang sakit. Ang potent chemical na kung tawagin ay oxytocin ( ang hormone na nakapagpapakalma at nakapagpapababa ng presyon ng dugo at ng level ng cortisons) ay mabuti sa sakit na migraine at high blood.

Iwas prostate cancer din ang mga lalakeng madalas magpalabas ng kanilang punlay, mga limang beses kada linggo. Lalo na sa mga edad 20.

Kaya rin nitong labanan ang stress at pagandahin ang iyong mood. Hinihikayat din nito ang ating utak na makapag-prodyus ng chemical na kung tawagin ay endorphins para maibsan ang stress. Ang pakikipagtalk din ay nakapagpapababa sa presyong ng dugo at maigi ring pampakalma. At dahil na rin sa chemical na endorphins at oxytocin na lumalabas tuwing ikaw ay nakikipagtalik, pinagaan nito ang iyong pakiramdam at kayang pahimbingin ang iyong tulog.
Source: medicmagic.net

Comments

Popular posts from this blog

Tips Para Malaman Kung Cancerous Ang Nunal (MOLE)

Paano ba malaman kung ang nunal (mole) ay cancerous o hindi? Ang mga benign na nunal ay maliliit lamang at wala pang 5 milimetro. Kitang-kita ang hangganan o border nito. Iisa lamang ang kulay at pwedeng light brown. Kadalasan ay tulad din ito ng iba pang nunal sa katawan ( sa sukat at kulay). Mas mainam po kasi kung hindi ito magbabago ng kulay o laki sa paglipas ng maraming taon. Ang mga suspicious o cancerous mole naman ay 'yung irregular ang border, hindi pantay at hindi malinaw ang hangganan na para bang ang kulay nito ay kumakalat sa katabing balat. Maaaring medyo nakaalsa ang isang bahagi ng nunal at flat ang kalahati. Ang pabago-bagong kulay ng nunal ay nakakaduda. Normally, ang mga nunal natin sa katawan ay flat, maliit at kulay brown sa unang dekada ng ating buhay. Sa katagalan ang mga nunal na ito ay lumalaki at umaalsa. Lumalaki at umiitim ito sa sandaling pagbubuntis. Ang mga normal na nunal ay dapat na malinaw ang border, pantay ang magkabilang panig at ma...

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Gonorrhea: SANHI AT LUNAS SA TULO NG BABAE

ANG gonorrhea o tulo ang pinaka-common na venereal disease na nakukuha sa pakikipagtalik sa isang taong impektado nito. Neisseria gonorrhea ang organismong may dala at higit na tinitira ng organismong ito ang daanan ng ihi o urethra o kaya ay ang kuwelyo ng matris sa babae. Kahit babae ay nagkakaroon talaga ng tulo. Sa lalaking may tulo, kakikitaan ito ng sintomas tulad ng lumalabas na nana sa ari nito, hirap at masakit na pagihi, tatlo hanggang anim na oras matapos makipagtalik sa impektadong kapartner. Sa babae namang may tulo, karaniwang asymptomatic at halos 80% ng babaeng may tulo ay walang sintomas o parang walang impeksiyon at bumibilang muna ng maraming buwan bago ito mapansin sa babae. Sila mismo ay hindi alam na may impeksiyon na sila sa katawan. Gayunman, mapapansin na may lumalabas minsan na medyo greenish-yellow discharge mula sa cervix at bukod ditto, puwedeng mag-complain ang pasyente ng pananakit ng katawan o paninigas ng kalamnan, matinding sakit n...