Palagi ka na lang bang nauubusan ng budget bago pa man matapos ang buwan? Ilang beses ba itong mangyayari sa iyo? Ilang beses na ba itong nangyari sa mga nakalipas na buwan? Mas makakatipid ka kung mayroon kang monthly budget plan kaysa gumastos sa mga bagay na hindi planado. Ito ang ilang tips para matipid mo ang iyong pera at mai-budget ito ng tama.
Maging regular na habit mo na dapat ang paglalaan ng pera sa
mga bagay na mahalaga lamang. Unahin ang mga dapat na gastusin sa buwan na ito
kaysa sa iyong mga luho.
I-kategorya mo ang iyong mga gastusin. Pwede itong mahati sa
tatlong kategorya. Ang fixed na gastusin tulad ng pag-go-grocery,bayaran sa
ilaw at tubig. Ang recurring o mga kasalukuyang gastusin tulad ng pag
bi-birthday ng anak, fiesta at iba pang miscellaneous heads. At gastusin kung
may emergency na hindi mo inaasahan.
Sa tuwing ikaw ay mamimili laging isipin na bibilhin mo iyon
dahil doon ka makatitipid.
Magkaroon ka ng limit sa paggastos ngunit magkaroon ka rin
ng katangap-tangap na rason kung bakit dapat kang gumastos ng higit kaysa sa
takdang gastusin.
Magplanong bumili mula sa mga wholesaler at co-op. Mas
makamumura ka sa mga ito kaysa magtungo sa mga retailers.
Matutong mag-recycle. May mga bagay sa bahay na pwede mo
pang gamitin imbes na bumili ng bago tulad ng mga garapon, envelopes at mga
kahon. Matutong magre-use para maiwasan ang maging magastos.
Magtipid sa kuryente, tubig at ilan pang gastusin tulad ng
telepono at internet. Magtipid hanggang sa makakaya.
Ang pagbu-budget ay may dulot na ginhawa sa iyong pamumuhay.
Kinakailangan na maging disiplinado ka, habaan ang iyong pasyenya at gawin
itong praktis para maging madali ito para sa iyo.
Source: tips4me.com
tama!!! :)
ReplyDelete