Ang hot weather o mainit na kondisyon ng panahon ay nagpapawalang-gana sa ating mag-exercise tulad ng pag-jo-jogging o pagtakbo. Ilan sa mga kondisyon na pwede mong maranas kapag nag-e-ehersisyo sa mainit na panahon ay dehydration, pagkahilo, panghihina at sun burn.
Kaya’t mag-ingat, sapagkat kung pupwersahin mo lamang ang
iyong sarili ay maaaring magdulot lamang ito ng masamang epekto sa iyong
kalusugan. Kung nais mo talagang tumakbo o mag-jogging kapag mainit ang
panahon. Heto ang ilang tips para sa iyo.
Alamin ang oras kung kailan hindi matindi ang sikat ng araw.
Maging flexible ka din sa oras ng iyong pag-eehersisyo para mas maging
komportable ang pagsasagawa nito.
Mamili ng mga lugar lalo’t para sa iyong jogging exercise.
Piliin iyong may mga puno na masisilungan mo at nakakatakip sa sinag ng araw.
Kung sadyang mainit ang panahon, ay huwag mong pilitin ang iyong sarili,
i-reschedule mo na lang ito sa ibang araw na hindi masyadong mainit.
Kung sadyang sanay kang magjogging ng 30 minutos. Pabagalin
ang tempo. Halimbawa, pwede kang mag-warm up tulad ng slow jogging at brisk
walking.
Ang pag-sa-cycling habang mahangin ang panahon, paglangoy sa
malamig na tubig, o pagha-hiking sa mayayabong na paligid ay kaya ring
makapagsunog ng calories na hindi pa mainit sa pakiramdam mo.
Gamitin ang halaga ng tubig, Magbasa ng iyong ulo o di kaya’y
maglublob ng tuwalya sa isang malamig na tubig para manatiling malamig ang
iyong pakiramdam habang nag-e-exercise sa mainit na panahon.
Pwede mo ring subukan ang mga indoor sports gaya ng
pag-e-enroll sa gym. O di kaya nama’y pwede ka ring gumawa ng ilang ehersisyo
kahit nasa bahay ka lang tulad ng pagja-jumping rope, pag-akyat baba sa hagdan
at iba pang routine na maaaring makapagsunog ng iyong taba.
Uminom ng maraming tubig hindi lang pagkatapos mong tumakbo
kundi habang ginagawa mo rin ito. Kapag pinapanatili mong hydrated ang iyong
katawan ay makakaiwas ka sa mga maaari mong maramdaman kapag mainit ang panahon
tulad ng nausea at sakit ng ulo. Kung ikaw ay tumatakbo, ayon sa Fit Sugar,
uminom ng apat hanggang walong basong tubig kada 15 hanggang 20 minutos.
Source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment