Kung nais mong magkaroon ng calcium at vitamin D sa katawan ay kinakailangan mo ng isang basong gatas. Kung hindi mo naman hilig ang gatas ay puwede mo namang subukan ang mga dairy product gaya ng yogurt, ice cream o gatas mula sa vegetable oil gaya ng almond milk. Pero healthy nga ba ang mga processed milk o dairy products?
Ang yogurt ay maganda sa digestive system pero ito rin ay
puno ng mga processed ingredients gaya ng sugar at fructose. Ang mga materyal
na ito ay mapanganib sa mga taong may irritable bowel syndrome. Nagiging mas
sensitibo sila sa labis na sugar. Kaya’t ang kailangan lamang ay maging mapili
sa pagbili ng yogurt. Piliin ang mga lactose-free yogurt at iyong walang lasa.
Lalo’t sa mga taong palaging may problema sa kanilang tiyan.
Paborito mo ba ang ice cream? Kung inaakala mong hindi ka
tataba sa pagkain ng mga dairy-free ice cream ay nagkakamali ka. Sapagkat lahat
ng ice cream ay mayroong gatas, fat, sugar at calories. Nagiging kaunti lamang
ang content ng gatas ng mga non-dairy ice cream pero hindi kailanman mawawala
ang sangkap na ito. Kaya ingat sa pagkonsumo nito lalo’t sa mga taong may
allergy sa gatas o lactose intolerance. Bilang alternatibo ay pwede kang gumawa
ng ice cream mula sa mga fruit juices sapagkat mas heathy ito.
Popular naman ang almond milk bilang alternatibo sa
vegetable milk bukod sa soy milk. Siguro’y dahil na rin sa calcium at vitamin D
na makukuha rito. Pero kailangan mo ring suriin kung mayroong vanilla ang
iniinom na almond milk o wala. Sapagkat kung meron, ito ay makukumpara mo sa
pag-inom ng isang serving ng chocolate ice cream.
Source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment