Skip to main content

Men’s Health: May Pag-asa Bang Lumaki Ang Manoy Mo?

Problema ng ibang kalalakihan ang kanilang mga manoy lalo’t kung maliit ito. Para sa ilang mayroong maliliit na kargada ay nakababawas ito ng pagkalalaki. Ang ilan, natatakot mag-asawa o makipagrelasyon sapagkat nahihiya sila sa sukat ng kanilang alaga. Kaya ang tanong ng ilan? May pag-asa pa bang lumaki ito? Iiwan ka ba ng mahal mong babae kung maliit ang iyong alaga? Ito ba ang sukatan ng pagiging matipunong lalaki na kayang magpaligaya ng babae? Makakabuntis ka ba?

Sabi ni Doc Shane M. Ludovice sa kanyang column sa Bulgar na Sabi ni Doc- sadyang may mga lalaking nabibiyayaan na mahaba ang ari ( 6 na pulgada o higit pa) at mayroon din namang tama lang ang sukat (4 hanggang 5 pulgada) at ‘yung mga di pinalad ay 2-3 pulgada,  kung saan nakatayo na iyun. Sa mga Pinoy, ang karaniwang sukat ay 4-5 pulgada.


Hindi man mahaba at malaki ang iyong alaga ay hindi naman batayan ito para hindi mo mapaligaya ang babae. Maaaari mo siyang mapaligaya sa galing mong man-romansa hindi ba? Lagi ninyong tatandaan na hindi sukatan ang laki ng manoy sa galing mo sa kama. May ilan nga diyan, malaki lang pero hindi iniiwan pa rin ng mga babae. Iyun nga lang siyempre, mas may advantage kapag mahaba ito dahil turn on iyon sa mga kababaihan.

Sa tanong mo kung makakabuntis ka kahit maliit ang iyong alaga, oo naman, puwede ka pa rin makabuntis at magkaanak basta walang problema sa iyong semilya. Maipapayo na punuan mo na lamang ang kakulangan mo sa sukat sa galing mo sa panroromansa. Sa ngayon, iyan lang muna ang solusyon sapagkat wala pong gamot na pampalaki ng alaga mo. Sadyang may pinagpalang may mahaba at meron ding hindi.
Watch Paano Lumake Ang Kanya watch this https://youtu.be/6f9Ko3mltzI




Source: Bulgar credits to: Shane M. Ludovice

Comments

Post a Comment