Pinatuyan ng mga DNA Analysis ng traditional chinese medicine na sakop ng Australian Custom Officials na may mga herbal medicine na nagtataglay ng mga sangkap na pwedeng pagmulan ng allergy o lason sa katawan.
Mayroong ding mga herbal medicine na may halong mga parte ng
hayop lalo’t mga endangered species na ang mga ito gaya ng asian black bear at
Saiga antelope. Kaya’t kinakailangan na sa tuwing tutungo ka ng groceries o
supermarket ay maging mapanuri sa sangkap ng binibiling produkto gaya na lamang
sa pagbili ng mga herbal medicine.
Naging malakas ang bentahan ng mga chinese drugs at kumita
ng milyong milyong dolyar ang industriyang gumagawa ng mga ito. Hanggang sa
naging mahirap para sa mga scientist na ma-analisa ang mga sangkap na taglay ng
mga herbal medicine sa iba’t ibang uri gaya ng powder,tableta,capsule at maging
ng mga tsaa.
Madugo ang debate tungkol sa kakayahan ng mga chinese
medicine maging ng iba pang herbal medicine. Pero ito ay hindi tungkol sa
tagumpay kundi sa integridad at katapatan ng mga label sa mga produktong ito. Iyan
ay ayon kay Michael Bunce ng Australian Wildlife Services Forensic and Ancient
DNA Laboratory sa Murdoch University Australia.
Ayon pa sa kanya, kinakailangan na masuri muna ang mga
herbal medicine na ito bago pa man ito gawing legal sa merkado. Maging sa mga
materyal na sangkap at sa mga pharmacologist na gumagawa nito.
Source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment