Para sa mga taong mahilig sa papaya ay tiyak na maraming benepisyo sa kalusugan ang kanilang makukuha mula rito. Ito ang ilang dahilan para maging paborito mo sa hapagkainan ang papaya:
Mababa ang calories ng papaya at mayaman sa nutrisyon. Kaya
tamang-tama ito sa mga nagdye-dyeta.
Mabisa rin ang papaya sa paggamot ng mga sugat at iba pang
pinsala sa balat. Nagiging makinis ang kutis ng isang taong mahilig sa papaya
at mabisa rin ito para hindi mabilis dumami ang kulubot sa balat.
Mayaman din ang papaya sa mga anti-inflammatory compounds at
anti-cancer properties. Kaya’t rekomendado ang kumain ng papaya lalo’t ikaw ay
may osteoporosis, arthritis, at edema. Makakaiwas ka rin sa pagkakaroon ng
cancer kapag kumakain ka ng papaya.
Kumonsumo ng papaya kung nais mong magkaroon ng malusog na
anit at buhok. Nagpapatubo ito ng buhok at makakaiwas ka rin sa pagkakaroon ng
balakubak.
Maigi rin ang pagkain ng papaya kung nakakaranas ka ng
constipation at kung di ka matunawan.
Sa dami ng mga benepisyong ito, tatangi ka pa ba sa papaya?
Source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment