Ayon sa pag-aaral, 50 porsyento ng mga adult ang nakakaranas o nakaranas ng pagkakaroon ng balakubak o dandruff. Ito ay dahil sa mga sagabal na nangyayari sa metabolic process ng ating katawan. Ang ating anit, tulad ng sa ating balat ay nagpapalit din at nasisira. Ang mga old cells ay namamatay at pagkaraan ay napapalitan ng bago. At kung ang natural na balanse ng ating metabolic process ay nahirapan, mas mabilis na mabubuo ang new cells kaysa mas maaalis ang old cells. Ito ay magreresulta sa pagdami ng tuklap sa ating anit.
Pwedeng magambala ang metabolic process natin ng mga
sumusunod:
Gamot o droga
Ang pagsisimula ng puberty
Emotional stress
Mga pagbabago sa klima
Mga pagbabago sa diyeta
Sanhi rin ng mga fungal infection sa anit
Bago mo simulan ang paggamot sa balakubak ay dapat na
malaman mo munang mayroon ka nga nito.
Magkaminsan ay nakakakita tayo ng mga
tuklap tuklap sa ating anit na dulot ng init ng araw o di kaya nama’y sobrang
paggamit ng hair dryer. Maaari ding sanhi ng mga sabon sa buhok o matatapang na
shampoo na pagkatapos nating gamitin sa buhok ay hindi binabanlawan ng maigi.
Para maiwasan ito ay gumamit lamang ng mild shampoo at conditioner.
Iwasan mo din ang paggamit o makihiram ng suklay sa taong
may balakubak dahil maaaring mailipat sa iyo ito.
Source:tips4me.com
Comments
Post a Comment