Skip to main content

Mabisang Lunas Sa Blackheads


Nakakainis ang pagkakaroon ng blackheads. Kahit pa makinis ang iyong kutis kung may blackheads ka naman ay hindi pa rin masasabing may perfect skin ka na. Iyong mga itim na parang tuldok sa gilid ng iyong ilong ang siyang mahirap na alisin. Marami sa atin lalo na ang mga kababaihan ang magtutungo sa derma salon para maalis ito kahit pa gumastos sila ng napakalaki.


Pero may ilang mabisang lunas sa blackheads ang hindi mo na kinakailangan pang gumasta ng napakarami. 

Pwede mong subukan ang mga ito:

Maghalo ng buto ng labanos sa tubig at dahan dahan mong i-scrub sa iyong mukha. Ang halaman na ito ay pinaniniwalaan may taglay na sangkap na mabisang pantanggal ng blackheads.
Lazada Philippines
Maghalo ng balat ng orange sa tubig hanggang makita mo na nakabubuo na ito ng thick paste. Itapal mo lang ito sa iyong mukha ng buong gabi at maghilamos syempre pa kinaumagahan.

Maghalo ng mixed juice sa turmeric powder. Ilagay ito ng 30 minutos at pagkaraa’y maghilamos.


Pwede ka ring maglagay ng toothpaste doon mismo sa blackheads. Patuyuin saglit at makikita mong mabubura na ang blackheads.

Isa namang mabisang gamot sa blackheads ang aloe vera. Nakapagpa-pakalma ng balat ito at pinabibilis ito ang proseso ng paghilom.

Ang huli’y, pwede ka ring maghalo ng puting itlog sa dalawang kutsarang fresh honey. Mag-apply nito sa iyong mukha at patuyuin ng 20 hanggang 30 minutos. Maghilamos gamit ang maligamgam na tubig.

Rekomendadong Produktong Pwedeng Subukan Para Sa BlackHeads:

Ang Herbal Hollywood Style Clearing Blackhead Astringent na mabibili sa halagang 290 pesos lamang.

Sa paggamit ng produktong ito, pwede ka ng mag-say goodbye sa iyong mga blackheads.

Kagandahan kasi sa produktong ito ay ang pagiging alcohol-free formula nito at pati may mga mabibisang sangkap gaya ng elastin, collagen, germanium, aloe vera, saffron, at tropical rosewood.

Isa sa mga nagustuhan ng mga dumadami ng consumer nito ay ang bisa nito sa pag-alis ng mga dumi, impurities sa kanilang pores na hindi nagdudulat ng iritasyon sa kanilang kutis.

Comments

Popular posts from this blog

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas

Seafood Allergy- Tips Kung Anong Dapat Gawin

Ang seafood allergy ay nararanasan ng isang tao kapag ito ay nakakain ng ilang klase ng isda o shellfish at dahil dito ay nagkaroon ito ng reaction sa kanilang immune system at nagdulot ng ilang sintomas ng allergic reaction (rash,hives,pangangati,pamamaga,pagsusuka,diarrhea,pananakit ng tiyan,hirap sa paghinga,pagbaba ng presyon at mawawalan ng malay) at ang seafood daw ay isa sa Top 8 na food allergen kumpara sa soy at milk allergies. Seafood Allergy -Tips On What to Do? Marami sa atin ang nagkaka-allergy sa seafood (shrimp,talaba,lobster,scallops,clams,crabs,squid) subalit, mas marami ang sa shrimp (hipon) at sinasabi na 40% ay may fish allergy (salmon,tuna) at 60% naman ay seafood allergy na nagsisimula sa adulthood. Ang pagkakaroon ng allergic reaction sa ilang muscle protein (tropomycin) na nasa seafood ay posibleng magdulot ng  "anaphylactic shock" kung saan ay biglang  baba ng blood pressure, namamanhid ang dibdib hanggang leeg, namamaga ang lalamunan at dah