Babala sa mga sumasakit ang tiyan at bumababa ang timbang!
Ang diagnosis na hepatoma ay tumutukoy sa kanser sa atay at sinasabing ang kanser na ito ay napakabagsik sapagkat sinuman ang dapuan nito ay namamatay sa loob ng 6 na buwan dahil kadalasan ay tumatagal lamang ang kanilang buhay ng 2-3 buwan. Ito ay isang kanser na nagmula mismo sa mga selula ng atay at mayroong mga kaso ng kanser sa atay na nadamay lamang ang atay at posibleng nangagaling ang kanser sa ibang organo ng katawan tulad ng kanser sa bituka, sikmura, suso, baga, lalagukan at puwit.
Kadalasan na biktima ng hepatoma ay 'yung may kasaysayan ng sakit na hepatitis B at cirrhosis ( ito 'yung pagtigas ng atay dahil sa sobrang pag-inom ng alak) at sa mga kalalakihang may edad 60 pataas at kung anuman ang talagang sanhi ng kanser sa atay ay 'di pa rin tiyak. Posibleng ito ay dahil sa radiation, virus tulad ng Hepatitis B, kemikal o hormona, tinatayang 50% ng may kanser sa atay ay may cirrhosis at kadalasan ay nasa advanced stage na ang kanser sa atay kapag ito ay na-diagnosed kaya bihirang tumor lamang sa atay ang matagumpay na naooperahan.
Narito ang ilang sintomas ng kanser sa atay:
- Sa dakong itaas sa kanan ng tiyan ay may nakakapang bukol
- paninilaw
- pananakit sa sikmura at sa dakong kanang itaas ng tiyan
- pagkawala ng ganang kumain
- pamamanas
- pagbaba ng timbang
Ang ibinibigay na radiation at chemotherapy ay pawang supportive measures lamang, pansamantalang napapatay nito ang mga cancer cell.
source: Bulgar column: Sabi ni Doc credits to: Shane M. Ludovice M.D
Comments
Post a Comment