Maraming tao ang araw-araw binubusog ang ang kanilang sarili mula sa pagkonsumo ng maraming fruits and vegetables upang makapagbawas ng timbang kung saan epektibo ito sa nakakarami.
Gayunman, isang dietician ang nagmalasakit na maglahad na hindi lahat ng prutas at gulay ay pantay-pantay na nakapagbibigay ng benepisyo kung saan ang labis na pagkonsumo nito ay maaaring sumabotahe sa hangaring makapagbawas ng timbang.
Ang enerhiyang papasok ay diumano'y maaaring kumontra naman sa papalabas na enerhiya kung saan ang bilang ng calories na nakokonsumo ay naikukumpara sa bilang ng calories na nasusunog.
Habang ang prutas ay mayaman sa nutrisyon at punumpuno ng fiber na kahit ang malusog na pagkain ay maaaring magbunsod sa pagdagdag ng timbang kapag lumalabis ang dami ng kinukonsumo na puno pa ng sugar kahit pa sa natural na tamis.
Mas mainam na sa halip na masasarap at matatamis na prutas ang konsumuhin sa buong araw, mas piliin ang ang maaasim na prutas.
source: Bulgar credits to: No Problem ni Ms. Myra
Comments
Post a Comment