Naging opsyon na para sa ilan ang pag-inom ng energy drink matapos nilang mag-ehersisyo. Maigi kasi itong inumin kaysa sa softdrinks. Pero alam ninyo bang may panganib ding dulot ito sa ating dental health? Pwede itong magdulot ng kung tawagin ay dental erosion.
Isang bagong ulat ang inilathala ng General Dentistry na
nagsasabing ang energy drink ay naglalaman ng acid na pwedeng maging sanhi ng
pagkakaroon ng tooth decay. Marami sa mga pasyente ang nakaranas ng pagiging
acidic ng kanilang bibig matapos silang ma-enganyo sa pag-inom ng energy drink.
Matapos ang limang araw na pag-inom ng energy drink at ma-expose
sa acidic content nito, ang tooth enamel ay unti-unting mababakbak at magiging
sanhi ng mga pagkasirang hindi madaling ma-remedyuhan. Kapag walang proteksyon
sa enamel, nagiging sensitibo ang ating ngipin, dahil riyan mas maraming tsansa
na magkaroon ng cavities at maging sanhi pa ng iba pang pagkasira sa ngipin.
Bukod sa panganib na dulot ng energy drink sa dental health.
Ang mga sport drinks din ay naglalaman ng mga sugar na maaaring maging sanhi ng
mga chronic diseases gaya ng obesity, diabetes, at heart problem.
Bukod sa mga
hidden sugar mayroon din itong caffeine at substances na hindi kontrolado ng
mga regulatory agencies.
Hindi rekomendado ng mga doktor na agad mag-sepilyo
pagkatapos uminom ng energy drink sapagkat maaari lamang kumalat ang mga acid
sa paligid at maging dahilan ng dental erosion.
Kung nais mong umiwas sa panganib na hatid nito, basahin dito ang ilang alternatibong inumin sa Energy Drink.
Kung nais mong umiwas sa panganib na hatid nito, basahin dito ang ilang alternatibong inumin sa Energy Drink.
Source: medicmagic.net
thank u for dis site..kya pla ung ngipin ng husband q unti unti..naccra at wla xa maicp nreason bkt ncra mhlg kc xa s energy drnk
ReplyDeletesalamat po sa inyong komento. masaya akong nakapagbigay ng impormasyon sa inyo. Maaari mo ring baasahin ang ilang alternatibo sa energy drink ...
ReplyDelete