Ang katawan natin ay naglalabas ng mga sensyales kapag tayo ay nakararanas ng sakit. Pwedeng makaranas ng panginginig ang katawan kung masama ang pakiramdam o di kaya nama’y pangangati ng lalamunan kung tayo ay magkakaroon ng ubo. At iba pang senyales na pantukoy sa karamdaman ng ating katawan.
Para sa mga kalalakihan naman na nais malaman kung healthy
ka. Mayroon ding mga sensyales para malaman mo kung ang katawan mo ay malusog o
kinakailangan ng magpatingin sa doktor.
Lingid sa kaalaman ng ilan, ang ating kuko ay maaaring
magtukoy na ikaw ay may karamdaman. Kapag ang kuko mo ay naninilaw, nangangapal
at mabagal ang pagtubo ay maaaring ikaw ay may sakit sa iyong respiratory gaya
ng chronic bronchitis. Kung may mga curved line naman o kilala rin sa tawag na
Beau’s line, ikaw ay may diabetes. Kung parang hugis kutsara ang kuko,
indikasyon ito ng kakulangan sa iron.
Malusog ka kung pale yellow ang kulay ng iyong ihi. Depende
sa dami ng tubig na ating kinokonsumo ang kulay ng ating ihi, clear yellow ito
kapag maraming fluid tayong iniinom at dark yellow naman kung tayo ay
dehydrated.
Kung may kakaibang amoy ang ihi, bahid ng dugo o iba pang
kakaibang nararanasan na wala namang kinalaman sa pag-inom mo ng mga gamot o
supplement ay maiging magpa-check na ng iyong ihi.
Kung mababa sa 2-5 ml ang iyong “ejaculation” ay indikasyon
ito na ikaw ay nasa less fertile condition. Tinatawag ang kondisyon na ito na
hypospermia, isang kondisyon na nakaka-apekto sa male fertility.
Source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment