Bumababa ang tiwala sa sarili ng isang tao kapag ang mukha niya ay punum-puno ng malalaking tagyawat o acne kung tawagin sa ingles. Tampulan ng tukso ang mga taong may tagyawat na tinubuan ng mukha. Ngunit marami namang solusyon sa acne isa na rito ang paggamit ng bitamina o vitamins.
Maraming rason kung bakit nagkakaroon ng acne pero ang
pinakadahilan ay ang hormonal imbalance kaya iyung mga babae na katatapos lang
manganak pati na iyung mga babae sa kasalukuyan ng kanilang pagreregla ang
siyang mga nagkakaroon ng acne. Kasama sa problema sa acne ang
blackheads,pustules o pimple,seborrhea, papules, nodules at iba pang internal
injuries sanhi ng sakit sa balat.
Gaya nga ng nabanggit, para lunasan ang acne, marami sa atin
ang gumagamit ng vitamins. Pero ayon sa Buzzle, ay mayroon mang mabisang lunas
ang bitamina sa pagpuksa ng acne ay dapat ikonsidera din na mayroon din itong
mga kawalan.
Ito ang mga kalamangan ng bitamina:
Mas natural kasi ito kaysa sa ibang treatment at therapy.
Maliban sa bisa sa pagtanggal ng acne, may dagdag na
nutrisyon din ito sa ating katawan.
Safe itong gawin at wala namang side effects.
Ito naman ang mga kawalan:
Ang paggamit ng bitamina ay kinakailangang nasa taming dami
lamang dahil kung ikaw ay lalabis ay maaaring magbunsod lamang ito ng sobrang
level ng bitamina sa katawan.
May katagalan bago mo makita ang resulta sa ganitong paraan
ng pagpuksa sa acne.
Ang vitamins na panlunas sa acne ay pwedeng nasa uri ng
kapsula, pills, tableta, o pamahid. O pwede mo rin naman itong gawin sa
pamamagitan ng pagbabago sa iyong diet. Ang mga bitamina na iyong makokonsumo
ay magbibigay ng nutrients na kailangan ng ating skin cell. Na ang ibig sabihin
lang ay treatment para sa iyong acne.
Ito ang ilan sa mga vitamin na panlaban
sa malalaking tagyawat:
Vitamin A na siyang nag-a-activate ng genes sa ating skin
cells na hindi nag-mature o kung tawagin ay keratinocytes para gawin itong
adult na gene.
Vitamin C dahil sa antioxidant na nilalaman nito ay kaya
nitong maghilom at bawasan ang mga free radical sa ating balat. Mas mabilis na
gumagaling ang ating balat dahil sa bitamina na ito mula sa inflammation at
makakaiwas ka rin sa blackheads.
Vitamin E ay tulad rin na isang antioxidant para makaiwas ka
naman sa pagkakaroon ng scars, pagdami ng bacteria at iba pang reaksyon sa
katawan.
Source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment