Skip to main content

Cassava – Benepisyo Sa Kalusugan

Paboritong pagkain ng ilan ang cassava. Lalo na dito sa atin sa Pilipinas at maging sa ibang panig ng Asya.

Bukod sa masarap ang cassava, marami rin itong hatid na benepisyo sa ating kalusugan. Ito ay isang mabisang antioxidant, anti-cancer, laban sa tumor, at pampagan ring kumain. Marami ring sakit ang kayang gamutin ng cassava, ayon sa ulat ng Health.

Rayuma. Para gamutin ang sakit na ito. Gumamit ng limang dahon ng cassava at 15 grams na bawang. Paghaluin ang mga ito sabay ipahid sa apektadong bahagi ng katawan. Maaari ka ring maglaga ng 100 grams ng tangkay ng cassava, lemongrass, asin at luya sa 1000cc ng tubig hanggang sa manatiling 400cc na. Salain at inumin nang hanggang 200 cc. Gawin ito isang beses sa dalawang araw.

Lagnat. Sa panahon ng lagnat pwede kang gumamit ng tangkay ng cassava para bumaba ito. Maglaga ng 60 grams tangkay ng cassava at 300 grams dahon ng cassava sa 800cc ng tubig. Salain at inumin. Para sa magandang resulta, inumin ito dalawang beses sa isang araw.

Sugat. Ang cassava ay mabisa sa paggamot ng sugat lalo’t may impeksyon na ito. Maglamas o maggayat ng sariwang tangkay ng cassava at itapal ito sa apektadong bahagi ng katawan. Kung ikaw ay napaso, maigi rin ang ginayat o dinurog na tangkay ng cassava na pantapal sa paso.

Diarrhea. Para naman sa sakit ng tiyan gamitin ang mga dahon ng cassava. Maglaga ng  pitong pirasong dahon nito at inumin.

Sakit ng ulo. Hindi magandang lagi ka na lang umiinom ng gamot sa tuwing masakit ang iyong ulo. Rekomendado ang natural na paraan gamit ang dahon ng cassava. Itapal lamang ito sa iyong ulo at tiyak na mawawala ang pananakit nito.

Beri Beri. Para sa mga pasyenteng may ganitong sakit, maigi ang pagkonsumo ng 200 grams ng nilagang dahon ng cassava tulad ng sariwang gulay.

Pampalakas ng Stamina. Maghalo lamang ng 100 grams na dahon ng cassava, 5 grains ng angco, at tubig. Lagyan ng honey para maalis ang pait.
Source: medicmagic.net

Comments

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano Bilang Gamot

Ang Oregano na may scientific name na Coleus Aromaticus ay isang halamang gamot. Ito ay may matapang na amoy, mabango at malambot ang mga sanga. May pagkahugis puso ang hitsura nito na may haba na 2-3 pulgada. Bukod sa ginagamit ito bilang lunas sa mga karamdaman gaya ng ubo at sipon, ang Oregano ay sangkap din sa ilang mga lutuin bilang pampalasa. Mga Benipisyo Ng Oregano: Nakapagbibigay ginhawa ito kung ikaw ay may ubo, sipon o lagnat. Mabuti rin itong lunas kung ikaw ay may sore throat. Lunas din ito kung ikaw ay may UTI  Maigi rin ito kung ikaw ay may stomachache Nakakagamot rin ito ng mga pigsa  Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano: Ilaga ang sariwang dahon ng Oregano sa tatlong tasa ng tubig. Mga 10-15 minutos. Kung ikaw may ubo o sipon, maiging uminom ng isang tasa nito 3 beses sa isang araw.  Kung malala ang iyong ubo. Gawing mas matapang ang paghahanda ng Oregano sa pamamagitan ng pagpiga sa dahon nito at inumin ang isang kutsaritang k...