Madalas maranasan ng mga buntis ang morning sickness dahil na rin sa mga panandaliang pagbabago sa kanilang hormone. Mayroon namang mga paraan para labanan ito. Sa katotohanan maraming natural na paraan para ito ay hindi maranasan. Ang mga problema na nararanasan sa unang trimester ng pagbubuntis gaya ng nausea ay pwedeng solusyonan ng pagkain ng mga ito:
Luya. Powder man o sariwang luya ay may bisa pa rin ito
laban sa nausea. Pwede kang gumawa ng inumin na may sangkap ng luya o kumain ng
mga lutong pagkain na may maraming sangkap ng luya. Mayroon ding nabibiling
ginger candy ngayon para sa tuwing nakararamdam ka ng sakit ay maiging kumain
ka nito.
Frozen Yogurt. Malaking tulong din para mawala ang nausea sa
pagkain ng yogurt. Bukod pa riyan mayroon itong protina, vitamin B12, calcium,
zinc at pottassium, mga nutrisyon na kailangan ng isang buntis. Mabisa rin ang
yogurt sa pagpapalakas ng immune system at pagpatay ng mga bacteria sa loob ng
katawan.
Lemon. Isa pang mabisang pagkain laban sa nausea, kahit
amuyin mo lang ito. Kung nasa bahay ka ay pwede kang maghiwa ng kapiraso nito
at ihalo sa peppermint tea.
Hindi naman masama ang pagkakaroon ng morning sickness
ngunit torture nga lang ang pakiramdam na ito sa mga nagbubuntis. Isipin mo na
lang na sign iyan ng pagkakaroon ng malusog na fetus na iyong dala-dala sa loob
ng sinapupunan.
Source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment