Hindi lang sangkap sa pagluluto ang luya para maging maanghang ang lutuin. Sapagkat matagal na panahon ng ang luya ay isa sa mga pagkaing may hatid na mabuting benepisyo rin sa ating kalusugan. Sa salitang Latin ito ay Zingiber officinale na isang traditional medicine para sa iba’t ibang uri ng karamdaman tulad ng muscle pain.
Pero hindi lang muscle pain ang kayang remedyuhan ng luya
sapagkat ayon sa mga siyentista ng University of Sidney Australia ay natuklasan
nilang ito rin ay makatutulong sa mga pasyenteng may sakit na diabetes.
Tumutulong ang luya at mga nutrisyon nito sa pagpapabuti ng blood sugar level ng
isang tao.
Ang katas ng luya ay mayroong gingerol na kayang magpataas
sa glucose patungong muscle cells para sa insulin production.
Dahil sa tulong ng luya o ng ginger na mapabuti ang blood
sugar level ng isang pasyenteng may diabetes ay naiiwasan ang paglaganap ng mga
komplikasyon.
Sa content na mayroon ang gingerol ay makaiiwas din ang
katawan ng tao sa blood clotting. Pinapalabas nito ang mga adrenal hormone na
pampataas naman ng pagdaloy ng dugo. Kaya naman bukod sa diabetes, ang luya ay
tulong din upang makaiwas sa banta ng stroke at sakit sa puso dahil inaalis
nito ang mga sagabal sa ating blood vessels.
Iba pang kakayahan ng luya na napatunayan na sa paglipa ng
panahon ay ang pagalingin tayo sa ubo, trangkaso, diarrhea, sore throat, nausea
at iba pa.
Source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment