Ang mga taong may hypertension o mataas na presyon ng dugo ay hindi dapat na kumain ng mga pagkain na may sodium (Na). Ito ang ilang pagkain na bawal sa iyo kung mayroon kang ganitong sakit.
Pickles. Mababa ang calorie nito na maigi sa katawan ngunit
mataas naman ang sodium content. Ang isang buo nito ay naglalaman ng 570 mg ng
sodium. Iyan ay katumbas ng 1/3 maximum limit ng sodium kada araw (2300 mg).
French Fries. Mataas rin ang sodium content nito. Ang isang
serving ng medium size ng french fries
ay naglalaman ng 270 mg ng sodium at 19 grams ng fats.
Bacon. Ang tatlong hiwa ng bacon ay mayroong 270 mg ng
sodium at 4.5 grams ng fats.Mas magandang alternatibo ang pagkain ng turkey
kaysa sa pork.
Gatas. Ito ay source ng calcium pero mataas ang fats nito.
Ang isang baso ng gatas ay mayroong 8 grams ng fat at 5 grams ng saturated fat.
Hindi maganda ang saturated fat sa mga taong may sakit sa atay at mapanganib
din sa mga taong may high blood pressure.
Donuts. Ang isang donut ay naglalaman ng 200 calories at 12
grams ng fats.
Instant Noodle. Madali mang gawin para kainin, ang isang
instant noodles ay naglalaman ng 14 grams ng fat at 1,580 ng sodium.
Mantikilya. Para sa mga taong may alta presyon ay
siguraduhing walang saturated fat ang mantikilya. Basahin ang content ng brand
ng margarine na iyong bibilhin.
Asukal. Kaya’t bawal sa iyo ang chocolate bars at cookies.
Pwede itong magdulot ng obesity , kapag nangyari iyan ay pwedeng tumaas ang
blood pressure mo.
Alcohol. Hindi lang nito pinatataas ang blood pressure kundi
sanhi rin nito nang pagkasira sa blood vessel walls.
Red Meat. Bawal ito sa mga may high blood. Ang isang healthy
diet ay dapat na may kaunti lamang na saturated fat. Iwasan mo ang pagkain
nito.
Source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment