Maraming beses na nating naisulat ang tungkol sa depression. Alam nating ito ay pwedeng maranas ng kahit na sinong humaharap sa mabibigat na pagsubok tulad halimbawa ng problema sa trabaho, pagbagsak sa school exam, iniwan o namatayan ng minamahal atbp. Bagamat mabigat ang mga problema, tuloy pa rin dapat ang buhay. Kung pakiramdam mo sa iyong sarili na nakararanas ka ng depresyon ay subukan mo ang ilang paraan na ito.
Regular kang mag-ehersisyo. Subukan mo ang aerobics,
swimming, o paglalakad sa parke. Ito ay magdudulot upang dumami ang good
hormones sa ating utak. Pumili ng paborito mong exercise at ito ang gawin mo
araw-araw.
Makatutulong din ang stretching, pagyo-yoga at meditation ng
30-40 minutos araw-araw.
Uminom ng iyong vitamin B complex araw araw.
Ikaw ay magpa-araw kahit mga 5-10 minuto. Maigi sa
pakiramdam ang sinag ng araw.
At ang huli ay magkaroon ka ng goal at maging positibo na
maabot mo ito. Gumawa ng ilang aktibidad na ikaw ay magiging busy sa araw-araw
at tiyak na malilimutan mo ang pakiramdam ng depresyon.
Hindi sa lahat ng pagkakataon lagi tayong panalo, may mga
pangyayari sa buhay kung minsan talo tayo. Pero huwag panghinaan ng loob,
marami pang dahilan para maging masaya at labanan ang depression.
Source: tips4me.com
Comments
Post a Comment