Maliit man ang prutas na cherry ay marami naman itong tulong sa ating kalusugan. Isa na rito ang pagpapahimbing sa tulog tuwing gabi upang magampanan natin ng husto ang mga aktibidad natin sa umaga.
Tinukoy ng mga scientist sa School of Biological Sciences sa
Unibersidad ng Northumbria na ang cherry juice ay nakapagpapabuti ng kalidad
nang ating tulog. Sabi pa ng mga tagapagsaliksik, ang prutas na cherry ay may
mataas na concentration ng melatonin, isang hormone na nakapagpapa-regulate ng
tulog. Kung mahimbing ang tulog sa gabi ay mas mainam mong magagawa ang iyong
trabaho sa umaga, ikaw ay masiglang makakakilos sa buong araw.
Para patunayan ito, naghanap ang mga researcher ng 20
boluntaryo. Sa isang linggo, ang mga ito ay kumonsumo ng 30 milli liters ng
cherry juice at iba pang juice araw-araw.
Para sa evaluation ng melatonin, kumolekta ang mga eksperto
ng urine sample bago at pagkatapos ng experiment. Bukod pa riyan, pinasuot din
ng wristwatch sensor ang mga boluntaryo na siyang tutukoy sa cycle ng kanilang
pagtulog at oras ng paggising.
Ang resulta ay nagpakita na ang mga boluntaryong uminom ng
cherry juice ay nagkaroon ng 15-16 porsyento ng pagtaas ng melatonin na nakita
sa kanilang ihi. Mas mahaba rin ng 25 minutos ang kanilang tulog at ang kalidad
ng kanilang tulog ay tumaas ng 5-6 porsyento.
Sabi rin ng mga boluntaryo na uminom ng cherry juice ay
hindi sila nakaranas antukin sa umaga. Bukod pa sa mahimbing na pagtulog ay
natuklasan din ng mga eksperto na ang cherry ay gamot din sa muscle pain.
Source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment