Kinakailangan ng head massage para mapahinga ang ating ulo at makadama ng ginhawa ang ating buhok. Kung mayroon kang oras, ay bigyang pansin mo ang pagtungo sa isang hair salon at magpamasahe ng iyong ulo. Ito ang ilan sa mga benepisyong hatid nito:
Panlaban sa stress na dahilan ng paglalagas ng buhok.
Anumang uri ng stress tulad ng sa trabaho, skul, pisikal o mental man iyan ay
malaking salik ito upang ang buhok ay unti unting malagas. Malaki ang epekto ng
stress sa kalusugan ng buhok. Sa isang malubhang kaso ng stress o emotional
disturbance ay pwedeng magresulta ito ng pagkapanot, ang kondisyon na ito ay
tinatawag na telogen effluvium, kung saan ang mga aktibong hair follicle ay
unti unting tumutungo sa isang regression stage. May pagkakataon din na
humihinto ang pagtubo ng buhok ng matagal at malalagas din pagkaraan. Para
maiwasan ito, maigi ang hair oil massage na nakatutulong alisin ang stress sna
dama ng ating ulo, leeg at batok, ito ay magdudulot ng ginhawa sa pakiramdam.
Hindi lang magiging masarap ang ating tulog, magiging masigla pati ang
kondisyon ng buhok natin.
Ang stress at pawis rin ang dahilan kung bakit nagiging
matigas ang ating anit at ang sebum, sanhi upang ang tumigas rin ang ating
buhok. Kaya para masolusyonan ito ay magpa-head massage at hair wash na upang
gumanda ang blood circulation sa buhok
at upang lumago rin ito. Nakatutulong kasi ang pagmamasahe sa ulo sa ikagaganda
ng daloy ng dugo sa anit.
Para naman mai-kondisyon ang anit ay maigi ang tamang
pagpili ng langis sa buhok. Ito ay upang maiwasan din naman ang pagkakaroon ng
balakubak at paninigas ng anit. Nagbibigay din ng sapat na nutrisyon ang
paggamit ng hair oil. Sa pamamagitan nito ay maiiwasan na maging magaspang ang
buhok dahilan upang madali itong malagas. Ang hair oil din ay nagbibigay buhay
sa buhok para hindi ito magmukhang tuyot at patay.
O ano pang hinihintay mo, magtungo na sa iyong paboritong
hair salon at magpa-head massage na.
Source: tips4me.com
Comments
Post a Comment