Ganitong malakas ang buhos ng ulan ay tiyak na dagsaan ang lamok sa estero malapit sa inyong bahay o mga bakanteng lote. Dahil dito hindi maiiwasan ang iba’t-ibang uri ng sakit tulad na lang ng DENGUE. Isang uri ng sakit mula sa kagat ng infected na lamok Ngunit alam ninyo bang isang natural na lunas sa Dengue ang pagkain ng papaya. Maaari kang gumawa ng home-made papaya juice para sa paggaling. Ito ang paraan kung paano gawin:
Kumuha ng dalawa hanggang tatlong dahon ng papaya at linisin
itong maigi.
Huwag mong gamitin ang tangkay, gamitin mo lamang ay iyong
madahon-dahong parte.
Bayuhin mo ang dahon hanggang sa maging ganap itong pino.
Salain ang binayong dahon ng papaya gamit ang isang pirasong
tela. Kakailanganin mo lamang ng isang kutsarita kada dahon.
Huwag mo itong pakuluan, lutuin o banlawan sa maligamgam na
tubig sapagkat mawawala ang bisa nito.
Ihanda sa pasyente ang dalawang kutsarang papaya juice isang
beses sa isang araw. Pagkatapos na makonsumo ang pait nito, ang bilang ng dugo
ay tiyak na aakyat sa 70%-80%. Magbabalik ang stamina ng katawan na magiging
dahilan ng agarang paggaling ng pasyente.
Source: tips4me.com
Comments
Post a Comment