May pag-aaral na isinigawa ng mga British at Italian scientist na nagpapatunay na may malaking tulong sa kalusugan ng puso ang pagkain ng saging araw-araw. At kung ikaw ay kakain ng tatlong saging kada araw ay bababa ang panganib na ikaw ay ma-stroke.
Ayon sa mga syentista, ang pagkain ng saging sa
almusal,tanghalian at hapunan ay sapat na upang punan ang pangangailangan ng
katawan sa potassium, ito’y upang maiwasan ang panganib ng blood clot sa ating
utak ng higit 20 poryento.
Ang pagtuklas na ito, ayon din sa Times of India, ay
nagpapakita na ang pagkonsumo pa ng iba pang pagkain na mayaman sa pottasium ay
makapagpapaiwas sa banta ng stroke. Ang mga pagkain tulad ng kintsay, mani,
isda, at lentil.
Sa bagong pag-aaral, ang mga syentista ay nag-analisa ng 11
pag-aaral mula noong mid-1960’s at kinalap nila ang resulta.
Natuklasan nilang ang araw araw na pagkonsumo ng higit
kumulang 1,600 mg ng pottasium. Ang kalahati na rekomendadong 3500 mg para sa
matatanda ay sapat na upang pababain ang panganib ng stroke ng higit limang
beses.
Ang isang average na saging ay naglalaman ng 500 milligrams
ng potassium. Na mabisa upang pababain ang presyon ng dugo, at para makontrol
ang fluid balance sa ating katawan. Ang kawalan ng potassium sa katawan ay
maaaring magresulta ng nausea, iregularidad sa pintig ng puso, at pagtatae at
iba pang irritation.
Iba pang tulong ng saging ay pwede rin itong natural na pain
reliever at kinokonsidera ding super food para ikaw ay magkaroon ng enerhiya.
Source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment