Maraming benepisyong hatid ang pagkakaroon ng pet sa bahay.
Isang mabuting kasama sa buhay ang mga alagang hayop kaya’t ituring mo siya
parte ng iyong pamilya. Ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit dapat na maging
mahalaga sila sa iyong buhay.
Una sa lahat, ang mga pet ay kayang ibsan ang stress na
iyong dinaranas sa buhay. Ang pagkakaroon ng pet sa loob ng bahay ay nagbibigay
ng isang magandang atmosphere sa loob nito na siyang makabubuti sa iyong
kalusugan.
Ayon sa isang survey, ang mga pet owner ay mayroong higit na
mababang presyon ng dugo at kolesterol level kumpara sa mga hindi nag-aalaga ng
hayop. Isang rason ang paglalakad, sapagkat kung ikaw ay may alagang hayop ay
kinakailangan mo siyang igala, dahil riyan nakapag-eehersisyo ka, rason na rin
ng pagbaba ng iyong kolesterol at presyon ng dugo.
Mas mabilis ding naka-rerecover sa sakit ang mga taong
nag-aalaga ng hayop kumpara sa mga hindi. Mas mabilis ang paggaling lalo’t kung
ikaw ay nakaranas ng operasyon.
Source: tips4me.com
Comments
Post a Comment