Maraming tao sa buong mundo ang nakararanas ng hirap sa pagtulog. Para sa mga taong walang ganitong problema ay sa tingin nila madali lamang itong solusyonan. Pero hindi sa mga taong may insomnia.
Isa sa pangkaraniwan ng gamutan sa mga taong may insomnia ay
ang pag-inom ng sleeping pills at pagsasagawa ng cognitive behavorial therapy
(CBT) o mas kilala sa tawag na speech therapy.
Mas rekomendado naman ng mga specialist ang speech therapy
kaysa sa pag-inom ng sleeping pills sapagkat wala itong hatid na panganib sa
kalusugan ng pasyente. Sa pamamagitan ng therapy na ito ay matututunan ng isang
pasyente na may insomnia ang makagawa ng mahimbing na pagtulog at matuturuan
din ang pasyente kung paano malalabanan ang pagkabalisa na siyang dahilan kung
bakit ang isang tao ay hindi makatulog ng mahimbing.
Higit pa sa sleeping pills ang benepisyong hatid ng speech
therapy sapagkat matagal ang magandang epekto nito sa taong may insomnia
kumpara sa sleeping pills na panandalian lamang ang remedyong hatid nito sa
pasyenteng may ganitong uri ng kondisyon.
Source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment