Mas takot daw sa dentist ang mga babae kaysa sa mga lalake ayon sa isang survey. At ang dentista ang isa sa mga doktor na kinatatakutan ng marami sa atin.
Ang pagsasawalang-bahala sa pangangalaga ng ating ngipin ay
maaaring magresulta pa ng lalong paglala kaya mainam na magtungo agad sa
dentista.
Pero bakit nga ba maraming takot sa dentist? Ito ang ilan sa
mga kadahilanan:
Takot sa mga kagamitan ng dentista gaya ng drill at iba pa
na tipong nakakasakit.
Nakaranas na siya ng hindi maganda sa dati niyang dentista.
Siguro’y hindi ito nagpakita ng simpatiya sa kanya kaya’t takot na magpabunot
ng ngipin.
Takot sa injection sapagkat ito masakit at nagdudulot ng
tensyon.
Nahihiyang magpatingin sa dentista sapagkat mabaho ang
kanilang hininga o maraming sira ang ngipin.
Ang labis na takot na ito sa dentista ay maaaring magresulta
sa phobia.Magkagayon wala pa namang direktang paliwanag tungkol sa ugnayan ng
normal na takot sa phobia.
Mayroong mga sintomas na nagpapakita na ang isang tao ay may
phobia sa dentista. Una’y hindi sila makatulog ng maayos sa gabi lalo’t bukas
na ang araw ng pagbubunot ng ngipin. Ninenerbyos ng husto habang naghihintay na
siya na ang susunod na bubunutan ng ngipin. Nais na umiyak kapag nakita na ang
dentista at labis ang pagpa-panic kapag nakakita na ng mga dental equipment na
parang hindi na makahinga sa takot.
Source: medicmagic.net
ako. sobrang takot ako sa dentista. :'/
ReplyDelete