Ikaw ay may balinguyngoy o nosebleed kung nakita mong may dugong lumabas sa iyong ilong matapos mong humatsing. Sanhi ito ng mga nasal spray pati na rin ng mga allergy. Maaaring maka-alarma sa iyo ito pero hindi naman ito malubha. Halos isang kutsarang dugo lang ang lalabas sa iyong ilong. Ito ang ilang paraan para lunasan ito:
Hipan mo ang iyong ilong ng marahan para mawala ang blood
clots na nabubuo.
Pindutin mo ang butas ng iyong ilong na para bang ikaw ay
lalangoy o lulundag sa isang swimming pool.
Gawin ito ng limang minuto at
huminga ka mula sa iyong bibig.
Manatiling nakatayo o nakaupo ng deretso ang katawan. Huwag
kang hihiga sapagkat malulunok mo lamang ang dugo.
Huwag kang maglagi sa mainit na lugar sapagkat ito’y
magdudulot sa’yo ng balinguyngoy. Kailangan na malamig o mamasa-masa ang
paligid para maiwasan mo ito.
Para hindi maiwasan ang pagno-nosebleed ay dapat uminom ka
ng mga sapat na bitamina gaya ng iron at vitamin C. Mapapalitan ng iron ang
dugong mawawala sa iyo. Kailangan naman ng vitamin C para ma-absorb ang iron.
Maigi naman ang B-complex vitamins para sa pagbuo ng mga collagen at mga
free-flowing mucous. Bumubuo rin ito ng moist na nagpo-protekta sa sinus at sa
ilong.
Kumonsulta sa doktor kung hindi epektib ang mga nabanggit.
Source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment