Mayroon bang healing power ang pet mo? Sa katotohanan, kayang palabasin ng mga alagang hayop ang ating nurturing instinct. Pinararamdam nila sa atin na tayo ay ligtas at sa atin ay may nakakaunawa. Kahit anu pa mang alagang hayop ang mayroon ka ay kaya mong maramdaman ang therapeutic benefits mula sa kanila. Puwede itong aso, pusa, goldfish atbp.
Ito ang ilang benepisyo sa kalusugan na maibibigay ng pet mo
sa’yo:
Ang mga senior citizen na may alagang hayop at silang mga
tumanda na sa harap ng maraming pagsubok at humaharap sa sandamakmak na stress
at problema sa buhay ay mas nakadarama pa rin ng ginhawa sa pakiramdam kaysa sa
mga matatandang walang alagang hayop.
Mas mababa rin ang presyon ng dugo ng mga nag-aalaga ng
hayop. Ayon sa mga tagapagsaliksik, iyong mga taong may alagang hayop na
biglang nakaranas ng stress sa kanilang buhay ay mas mababa ang blood pressure
kaysa sa mga walang pet.Ang mga pet owner din ay higit na mababa ang kolesterol
level kaysa sa mga hindi.
Kaya naman kung ikaw ay humaharap sa maraming stress at
problema. Subukan mong mag-alaga ng hayop.
Hindi lang paglalambing ang kaya
nilang maibigay sa’yo kundi pati na rin ang iparamdam sa iyo ang kakayahan
nilang makapaghilom ng mga sugat sa iyong damdamin.
Source: tips4me.com
Comments
Post a Comment