Napatunayan na ng medisina na nakatutulong ang pagkakaroon ng pet o alagang hayop upang mawala ang iyong stress at ma-relax. Pero naisip mo na ba kung ano ang tumatakbo sa isip ng iyong alagang hayop? Opo, pati rin sila ay humaharap din sa stress at trauma kung hindi mo sila mabibigyan ng sapat na atensyon at pagmamahal. Kaya’t kung ikaw ay nagpaplano na magkaroon ng pet, ito ang ilang tips para matanong mo sa iyong sarili kung ikaw ay handa na bang mag-alaga ng hayop.
Ano ba ang lifestyle mo?
Iyung totoo, kaya mo bang maging parte ng iyong pamumuhay
ang iyong pet? Kung hindi ka madaldal o mahilig sa pakikipag-usap, sa tingin mo
ba’y kaya mong makipagkomunikasyon ng maayos sa iyong alaga? Kung makalat ka o
burara, kaya mo bang pangalagaan ang hygiene niya? Tamad ka bang maglakad?
Naku, huwag mo nang planuhin ang kumuha pa ng aso ?
May oras ka ba?
Isa ka bang busy na empleyado sa iyong trabaho? O isang
taong-bahay na siya lang nangangalaga sa lahat ng gawaing bahay at sa kalusugan
ng iyong pamilya? Kung oo ang sagot mo, sa tingin mo ba’y mayroon ka pang oras
para sa iyong pet? Kung hectic palagi ang iyong schedule ay kalimutan mo na ang
pag-aalaga ng hayop.
Handa ba ang iyong pamilya?
Sa ayaw mo man o sa gusto, kasama ang iyong pamilya sa
usapan kung plano mong mag-alaga ng hayop. Kaya’t bago ka mag-alaga ay
kailangan mo rin ng suporta mula sa iyong pamilya. Mag-alaga lamang ng hayop
iyon ay kung kaya rin ng iyong pamilya na bigyan ng sapat na pagmamahal,
atensyon at paglalambing ang pet mo.
Mayroon ka bang pera katoto?
Ang pagkakaroon ng pet ay magastos. Kaya’t bago mag-alaga ng
hayop ay isipin mo muna ang iyong sitwasyong pang-pinansyal. Kaya mo bang ibili
siya ng tamang pagkain? Kaya mo ba siyang regular na dalhin sa isang
beterinaryo? Pati na ang iba pang gastusin sa pag-aalaga ng hayop. Kung hindi,
ay magdalawang isip ka muna sa iyong plano.
May sapat bang espasyo para sa pet mo?
Ang iyong pet ay dapat na magkaroon ng sapat na espasyong
gagalawan sa loob ng bahay pati na rin sarili niyang espasyo kung saan siya
pwedeng magpahinga. Kaya’t kung nakatira ka sa maliit na apartment, hindi
makabubuti sa iyo ang pag-aalaga ng malalaking uri ng aso. Tulad rin ng kung
plano mong magkaroon ng fish tank ay kakailanganin din nito ang sapat na
espasyo. Kaya’t bago mag-alaga ng hayop ay siguraduhing hindi magiging isyu sa
iyo ito.
Source: tips4me.com
Comments
Post a Comment