Skip to main content

Onychomycosis- Sanhi Sintomas Lunas


Isa ka bang Diabetic at nakikita mong umiitim at unti-unting namamatay ang kuko? Masasabing may fungal infection ang mga kuko mo at kung tawagin ito ay Onychomycosis.

Ang sakit na ito ay dala ng iba't ibang fungus at made-detect lamang kung anong fungi kapag ineksamin sa laboratoryo ang sample ng iyong kuko.

Medyo matagal ang proseso ng pagkasira ng kuko, una ay mawawala muna ang natural na kislap ng kuko at pagkatapos ay magiging malutong na ang mga ito. Magkakaroon ng parang mga bitak o kayod at kung minsan pa nga ay parang kinain ng uod ang hitsura ng kuko at nagiging impektado rin ng katabing mga tissue o cuticle.

Madalas magkaroon ng onychomycosis ay mga taong ang trabaho ay nakababad ng matagal ang mga kamay  sa tubig, 'yung mga may ingrown toe nail, mga taong mababa ang resistensya laban sa impeksyon tulad ng mga diabetic o umiinom ng steriod drugs at 'yung madalas magkaroon ng "paronychia" o pamamaga ng balat sa paligid ng kuko.

Sa mga ganyang problema, kadalasang ibinibigay ay anti-fungal drugs, may iniinom at mayroon ding ipinapahid. Mas mabisa syempre kapag iniinom, 'yun nga lamang medyo may katagalan ang gamutan ng fungus sa kuko (maaaring bumilang ng mga buwan o taon). 

May mga gamot na ibinibigay tulad ng Terbinafine (Lamisil tablet) na iniinom sa loob ng isang buwan. Maipapayo ang ipakita sa isang dermatologist ng mabigyan ng tamang gamot ayon sa klase ng fungi na sanhi ng nasisira mong kuko.

source: Bulgar credits to: Shane M. Ludovice M.D Sabi ni Doc 

Comments

Popular posts from this blog

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...