Ang tea o tsaa ay napatunayan ng isang mabisang antioxidant na inumin. Ngunit ang palagiang pagkonsumo rin ng tsaa ay naghahatid din ng masamang epekto sa kalusugan. Ikaw ano bang iniinom ninyo sa bahay sa tuwing kakain, malamig na tubig ba o ice tea?
Isang pag-aaral ang iniulat ng Health News Daily, na
nagsasabing may panganib na hatid ang pakonsumo ng ice tea sa palagian. Ito ay
maaring magdulot ng kidney stones o sakit sa bato. Ang pagsasaliksik ay ginawa
ng Loyola University Medical Center. Ipinaliwanag nilang kapag malamig ang
tsaa, ito ay maglalaman ng mataas na bilang ng oxalate.
Ang kemikal na ito ay nakapagbubuo ng maliliit na kristal na
mula sa mineral at asin. Hindi lang tsaa ang mayroong oxalate. Makikita rin ito
sa kintsay, tsokolate at mani. Ang mga pagkain na ito ay may mataas na bilang
ng kemikal na ito.
Para sa mga taong may panganib na magkaroon ng impaired
renal function, hindi inirerekomenda ang pag-inom ng ice tea. Ayon iyan kay Dr.
John Milner, assistant professor ng urology sa Loyola University Chicago
Stritch.
Sabi pa niya, masarap ang ice tea lalo’t kung iinumin mo ito
sa mainit na panahon, ngunit huwag mo itong kasanayan gawin.
Sa pag-aaral, ang dehydration ay isa sa mga dahilan ng renal
impairment at ang ice tea ay pwedeng makadagdag sa panganib na ito. Para maiwasan
ang dehydration, mas mainam pa rin ang pag-inom ng tubig.
Source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment