Kung nais mong mabawas ang iyong stress at pagtanda ng maaga ay pinapayuhang kumonsumo ka ng pomegranate juice araw-araw. Ayon sa mga scientist, ang masustansyang prutas na ito ay kayang bawasan ang nararamdaman mong pagkabalisa at tulong din upang makaiwas ka sa mga sakit gaya ng cardiovascular diseases. Pumipigil din ito sa pagdami ng mga cancer cell.
Kung kakain ka ng pomegranate araw araw ay babagal ang aging
process ng cell sa ating DNA. Kaya naman ito ay magdudulot ng sigla,lakas at
batang pakiramdam sa isang tao.
Ang konklusyon na ito ay mula sa isang resaerch na tinugunan
ng 60 na boluntaryo. Binigyan sila ng capsule na naglalaman ng extract mula sa
pomegranate at pinainom iyon sa kanila ng isang buwan. Sinuri din ang chemical
compound sa kanilang katawan at kinumpara sa mga taong hindi kumakain ng prutas
na ito.
Tinukoy ng mga researcher na mayroong pagbaba sa
concentration ng marker 8-Ox0-DG, na may kinalaman sa cell damage na dahilan ng
disruption sa aktibidad ng utak, muscle, atay, at bato. Kapag may disturbance
sa mga organ na ito ay nagkakaroon ng mabilis na pagtanda ng balat.
Kaya mainam na isama sa iyong healthy diet ang pomegranate
sapagkat mayaman ito sa Vitamin A,C,E, iron, at antioxidant na sumusugpo ng
free radicals.
Source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment