Halos lahat tayo ay kilala ang prutas na mangosteen. Isang masarap na tropical fruit kasi ito kaya paborito ito ng ilan sa atin. Pero bukod sa sarap ng lasa nito, ito rin ay isa ring alternatibong gamot sa ilang karamdaman gaya ng cancer.
Hindi lang nga ito basta masarap na prutas lang sapagkat
mayroon itong healing properties laban sa iba’t ibang uri ng sakit.
Ang mangosteen ay mayroong 40 active biological substances, natural
chemical compound na kung tawagin ay xanthone. Itong compound na ito ay
maituturing na antioxidant at pampapalakas ng immune system.
Marami sa mga tagapagsaliksik ang nagsasabing ang balat ng
mangosteen ay tulong din upang makaiwas ang isang tao sa mga uri ng karamdaman
gaya ng diabetes, sakit sa puso, Alzheimer at iba pang chronic diseases.
Ang mangosteen ay mayroong polysaccharides, ito ay isang
compound na gumaganap bilang anti-cancer at anti-bacterial agent. Sinusugpo
nito ang pagdami ng cancer cells. Sa ilang literatura, sinasabing ang
mangosteen skin extract ay nakalalaban sa cancer cells. Ang content na Xanthone
ang siyang susi upang iwasan ang pagkalat ng cancer cells na siya namang
umaatake sa suso, dugo, atay at lymph nodes.
Source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment