Marami sa atin ang minsan ng nalubog sa utang isang beses sa ating buhay. Ang iba’y umahon na ngunit may iilan pa ring lubog sa utang sa pagbabayad ng kanilang credit card, mortgage, home equity line,student loan atbp. Ito ang ilang paraan para masolusyunan mo ang mga ganitong pagkakataon.
Habang ikaw ay abala sa pagbabayad ng iyong utang ay
mahalaga rin na magkaroon ka ng savings account.
Sa pagkakataon na ito, alamin mo kung bakit ka nalubog sa
utang. Maaaring ang dahilan ay ang mga bayarin na hindi mo inaasahan at hindi
ka handa para roon. Kaya’t malaking tulong ang pagkakaroon ng savings account
para ma-isalba ka nito sa mga ganoong sitwasyon.
Gawin mong automatic ang iyong savings account para
matulungan ka nitong makaahon sa iyong pampinansyal na problema ng hindi mo
namamalayan. I-link mo ang iyong checking account sa iyong savings account at
gawing atomatiko ang pagde-deduct nito kada buwan.
Magkaroon ka ng debt repayment plan. Makatutulong ang
pagko-consolidate ng iyong mga utang para agad mo itong mabayaran.
Ang pagkakaroon ng savings account ay makatutulong para
mapagtagumpayan mo ang mga planong ito.
Source: tips4me.com
Comments
Post a Comment