Ang nail fungus ay kadalasang nakikita sa kuko natin sa paa. Isa sa mga dahilan ay ang pagsusuot natin ng masikip na sapatos, sa haba ng oras na nakasuot tayo ng masikip na sapatos ay nagdudulot ito ng pagpapawis sa ating paa na dahilan naman para magsimula ang fungus. Paano Maiiwasan Ang Pagkakaroon Ng Nail Fungus 1. Iwasan ang pagsusuot ng masikip na sapatos. 2. Iwasan ang manghiram ng nail cutter o iba pang gamit na panglinis ng kuko sa ibang tao lalo na kung mayroon itong nail fungus. Maaari kasing makuha mo ang nail fungus sa taong mayroon na nito. searched from google image for illustration purposes only 3. Maaari ring magsimula ang nail fungus sa isang trauma. Kung nakaranas ka ng injury sa iyong mga daliri ay maaaring maging dahilan ito upang makapangyari ang mga bacteria at magdulot ng nail fungus. Kaya't kung maaari ay mag-ingat ka sa paglilinis ng iyong kuko. Para sa mga kababaihan, kung maaari ay magpa manicure lamang sa mga kilalang manicurista. ...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc