Ang mga internet shop, para bang mga kabute na nagsulputan sa tabi-tabi. Kung ikaw ay nagbabalak magtayo ng isang internet shop o may internet shop na sa kasalukuyan, maitatanong mo sa sarili: may kita pa ba rito? Kung ang labanan ngayon ay pababaan ng presyo nang pc rentals, paano ka lalaban? Ito ang mga tips para kumita ang iyong internet shop sa kabila ng mahigpit na kumpetisyon:
from google image for illustration purposes only |
1. Huwag mong i-limit ang iyong internet shop sa pc rentals. Bagkus ay pag-aralan mo ring magdagdag ng iba pang serbisyo na sa tingin mo ay kaya mong gawin gamit ang computer. Kung maalam ka sa adobe photoshop, bakit hindi mo subukan ang photo printing? Alam mo bang mas kikita ka rito kesa sa pc rentals, isipin mo na lang kung ilang pinoy ang mayroong camera cellphone at digi cam.
2. Napag-usapan na rin lang ang cellphone. Idagdag sa serbisyo ang e-loading. Sa ganung paraan hindi na lalabas pa sa iyong internet shop ang mga customer mo dahil meron ka na nito.Marami na ngayong web portal ang nagbibigay access para ikaw ay makapag electronic load gamit rin ang iyong p.c. Bukod sa e-loading ay maaari ka na ring magbenta ng mga e-games pins.
3. Marami ba ang bilang ng iyong p.c at malapit ka sa iba pang commercial establishment. Subukan ang iyong marketing skills, makipag-tie up ka sa kanila upang makapagbigay ka ng mga freebies sa iyong mga customer at ang magiging tulong mo naman sa iyong ka-tie up ay ang exposure o tulong sa kanilang brand ad campaigns.
4. Kung nagbunga ng maganda ang tie up partnership, maaari mo na silang alukin ng advertising space. Dito kikita ka sa pagbibigay sa kanila ng espasyo na makita ang kanilang banners sa loob ng iyong internet shop o maging sa iyong website. Wala pa bang website ang shop mo, subukan mo ang libreng website creation. Kung kaya ng Netopia, bakit hindi mo rin subukan bilang internet shop owner.
5. Kung may puhanan ka pa, subukan mo ring magtinda ng snacks at drinks sa iyong mga customer. O di kaya naman ay mag franchise ka ng isang kilalang food kiosk na alam mong magugustuhan ng iyong mga suki at pwede mong itabi sa labas ng iyong internet shop.
Sa negosyo, what matters the most is your creativity and innovative thinking. Lahat naman ng negosyo tulad nang internet shop ay may competitors. Ang mahalaga ay matuto ka kung paano ka lalaban at paano mo ipagbubuti pa ang serbisyo. Hindi naman masama ang kumpetisyon. In fact, this will help your business skills develop gradually and in the long run will make your business prosper. Ang mahalaga naman sa buhay ay lumaban ka at hindi ka nagpatalo.
Nagustuhan mo ba ang Tips Para Kumita Ang Iyong Internet Shop? I-share sa inyong mga facebook katoto gamit ang addthis button na nasa ibaba.
Basahin din: Biz Tips: Mga Patok Na Negosyo Sa Pilipinas
Basahin din: Biz Tips: Mga Patok Na Negosyo Sa Pilipinas
Comments
Post a Comment