Para sa mga lalaki na nais ng magpakasal at magkaroon ng maraming anak. Isang pagsasaliksik ang ginawa sa University of Western Australia at Monash University kung saan natuklasan na ang masigasig na pagkain ng apricot at mangga ay nakabubuti sa pagdami ng semilya (stronger sperm) at pagtaas ng fertility rate.
Ayon pa sa Sydney Morning Herald, ang resulta ng pag-aaaral
na inilathala sa prestihiyosong Ecology Letters Journal, na ang dalawang prutas
na ito ay naglalaman ng maraming bilang ng anti-oxidant.
Sabi ni Leigh Simon, isang professor sa Winthrop
Evolutionary Biology sa UWA na nagsagawa ng pagsasaliksik- mataas ang
probabilidad na maabot ang obaryo ng babae at mag-fertilize ang egg ng isang
punlay na punum-puno ng antioxidant.
Bukod sa katotohanang nakakapagpatibay ng semilya ang ang
pagkain ng apricot at ng mangga. Para sa mga lalake, maaari rin tayong uminom
ng isang tasang tsaa araw-araw o di kaya nama’y kumonsumo ng mga pagkain na
mayaman sa Vitamin E at Beta carotene. Ang ilan sa mga ito ay ang kalabasa,
karot, alugbati, parsely, vegetable oil, avocado, mani at iba’t ibang uri ng
grains.
Napatunayan din na nilalabanan ng semilya na may maraming
bilang ng antioxidant ang mga free radical na makikita naman sa katawan ng
iyong maybahay o mga kababaihan.
Kaya’t kung nais mong magbuntis na si misis ay simulan mo ng
kumain ng mga prutas na mayaman sa antioxidant mga katoto kong barako- tulad
syempre pa ng mangga at apricot. Huwag ninyo akong kalimutan na gawing ninong
ng inyong magiging anak ha.
Source: medicmagic
Comments
Post a Comment