Nais mo bang pumayat ngunit parati ka namang nagugutom? Ang dapat mong gawin ay kumonsumo ng mga pagkain na mainam para hindi ka mabilis magutom. Ito ang ilang mga pagkain na feeling busog ka palagi.
Eat porridge. Ang lugaw ay pagkain na may mababang bilang ng
carbohydrates na mabagal na napupunta sa bloodstream ng isang tao at nagdudulot
ng mataas na enerhiya at nakatutulong upang makaiwas sa maagang paghahanap ng
panibagong pagkain. Ang lugaw ay mahusay din sa pagpapababa ng cholesterol kung
saan isa ito sa pinakamainam na almusal.
Eat popcorn. Ang popcorn ang pinakamahusay na halimbawa ng
meryenda na hindi lamang masarap kundi nagdudulot pa ng benepisyo mula sa fiber
na mabuti sa katawan. Gayunman, mainam kung iiwasan ang pagkon-sumo o pagdagdag
sa popcorn ng maraming butter at asin.
Eat apple. Ang pagkonsumo ng mansanas ay mahusay sa katawan
upang matagal na maghanap ng panibagong pagkain na punumpuno ng fiber. Lumabas
sa pag-aaral na ang pagkonsumo ng naturang prutas, 20 minuto bago ang meal ay
nakababawas sa makakain sa tanghalian man o hapunan. Napupunan din ng mansanas
ang rekomendadong prutas at gulay na kinakailangan ng katawan sa isang tao.
Eat orange. Ang orange ay maituturing na super-fruit na
dalawang beses na mahusay kesa sa naidudulot ng saging, mula sa kaparehong
bilang ng calories. Mainam ang prutas na ito mula sa mataas na bilang ng fluid
na mabuti sa katawan na may 86% ng tubig.
Eat eggs. Ang itlog ay mataas sa calories kumpara sa ilang
uri ng pagkain. Gayunman, mahusay itong pagkunan ng protina na kapag
kinokonsumo ay matagal na makararamdam ng gutom. Ang itlog ay mayaman sa amino
acids na mahusay upang mamantina ang lean metabolically active muscle tissue.
Soup. Ang paghigop ng mainit at masarap na sabaw bago pa man
kumain ay mahusay na estratehiya upang kaunting calories lang ang makonsumo sa
pagkain. Gayunman, mainam na maging maingat sa pagpili ng hihiguping sabaw at
tignan kung mataas ito sa calories.
Source: Bulgar credits to: No Problem ni Ms. Myra
Comments
Post a Comment