Alam ba ninyong may epekto ang kakulangan ng tulog sa bisa ng bakuna? Iyan ay ayon sa mga eksperto. Alamin ang tungkol rito.
Ayon sa isinagawang pag-aaral sa mga taong mayroon lamang
bababa sa 6 na oras ang tulog ay sinasabing mas mahina ang proteksyon laban sa
Hepa B matapos magpabakuna kumpara sa may 7 oras pataas ang haba ng tulog.
Dagdag pa ng mga eksperto na sinasabing may kaugnayan ang
kakulangan ng tulog sa pagbaba ng ating immune system processes na siyang
pinaka-importante sa pag-response ng bakuna.
Nais din nilang imbestigahan ang iba pang factors tulad ng
sleeping patterns at lack of sleep ng mga pasyente na maaaring magpahina sa
epekto ng vaccination ayon kay Aric Prather, isang pyschologist sa University
of California, San Francisco.
Lumalabas na ang mga taong puyat ay madaling kapitan ng
respiratory infections. Ngunit, hindi pa malinaw kung ang pagtulog ay
nakaaapekto sa espisipikong immune response na kilalang panlaban sa impeksyon.
Ang makabagong pag-aaral na ito ay nilahukan ng 125 katao na
nasa pagitan ng edad 40 hanggang 60 at may magandang pangangatawan. Bawat
participant ay binibigyan ng pantay pantay na tatlong dosage ng hepatitis B
vaccine.
Ang una at pangalawang doses ay isinagawa sa pagitan ng
isang buwan na sinundan ng booster shot para sa 6 na buwan.
Ang antibody level ng bawat kalahok ay isinukat 6 na buwan
matapos ang huling bakuna. Ang antibodies na siyang protina na kinakailangan ng
immune system upang labanan ang mga salot sa katawan tulad ng virus.
Lahat sila ay nakumpleto ang sleep diaries kung saan
detalyadong nakalagay ang kanilang oras ng pagtulog at paggising, habang ang 88
kalahok ay nakasuot ng electronic sleep monitors o mga actigraph.
18 sa mga parcticipant ang nakitaan ng mababang antibody
level na nangangahulugang hindi nila natanggap ang proteksyong nanggagaling sa
bakuna.
Kaya naman ang mga taong mababa sa 6 na oras ang tulog ay
11.5 beses na hindi umano protektado ng bakuna kesa sa mga taong may sapat na
tulog ayon sa mga eksperto.
Inaaasahan na ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa ating
public health community upang ipaunawa ang koneksyon ng pagtulog sa kalusugan.
Source: Bulgar credits to: Cathy Posadas
Comments
Post a Comment